Top Stories

Tara na sa Libreng Christmas Pasyalan sa Pasig!

Kung kapos ka sa budget pero gusto mong mamasyal ng libre, tara na sa Pasig City Hall! Bitbitin mo na ang buong pamilya.

Tiyak na mag-eenjoy ang mga bagets sa mga nagniningningang mga Christmas lights na nakasabit sa mga puno at magagandang mga eco-friendly na dekorasyon sa harap ng Pasig City hall. Dahil romantic din ng lugar, perfect din ito sa mga mag-jowa na di rin naman magtatagal dahil walang forever. Instagramable talaga. Sa pagkakaalam ko, bukas na ito pagsapit ng alas-sais hangang alas dyes ng gabi.



Mayroon ding 3D lights display na mapapanood sa harap mismo ng Pasig City Hall building na kamangha-mangha talaga. Make sure wala kang stiff neck dahil kailangan mong tumingala ng very light. Ang galing promise!

Mayroon ding malaking Christmas tree na perfect pang-selfie, kaya pwedeng pwede mo nang palitan yang primary picture mo. 

Ang Christmas tree naman na ito ay gawa sa pinasosyal na banig. Petmalu talaga.


Kung trip mo naman magperya at maglibang ng malala at gusto mong i-levelup ang kasiyahan, lakad ka lang ng kaunti tapos tawid ng kalsada, mapupuntahan mo na ang peryahan. Walang entrance dito, pero mag-iingat ka lang sa mga mandurukot friend. Isuksok mo na sa underwear mo ang natitira mong bente pesos.

Kung bet mo maglustay ng kayamanan ni papa, jumoyn ka na here. Kyah kyah hagis-hagis barya lang kyah. Lahat ng makikita mong naka-display pwede mong maiuwi. Hakutin mo na. Huwag ka lang magpapahuli sa may-ari. chos. Siyempre pagsumikapan mo ang mga bagay-bagay para mapasaiyo. Walang instant mga friends.







Kung bet mo namang mahilo at magpaikot-ikot, sumakay na sa mga murang mga rides dito. Dont worry, safe daw yan. Nakita ko kakalagay lang ng langis yan, kinalsuhan pa nga yan. Bago paandarin yan, chini-check pa nila yan ng maiigi para siguradong di mo pa magagamit ang life insurance mo.



Sa loob mismo ng peryahan, makikita mo itong napakasarap na shawarma ni King Michael. Bukod sa mura na, mapapamura ka din sa sarap. Masarap promise! Hindi ako bayad sa pag-endorse niyan ha, pero try nyo lang. Pag di kayo nasarapan, e di hindi. kanya-kanyang dila lang yan. 😂



Kung bet mo namang magbarbeque, meron din dito. Presyong kanto din. Bukod sa masarap na, masarap din ang mga nagtitinda. 😂



Sa halagang sampung piso lang, feeling mo nasa sinehan ka na dahil makakakain ka na ng popcorn na mas malutong pa sa pagmumukha mo. 😂


Sa di kalayuan sa Pasig City Hall, sa mismong Pasig Palengke, mapapanood mo ang isang kakaibang Soap operang pambata na kapupulutan ng aral. Perfect ito sa mga chikiting. Pero siyempre, kung mahilig ka sa KDrama, hindi to para sayo. Ito ay ginagampanan ng mga mahuhusay na artistang iisa ang galaw at emosyon. chos. 😂 Napakahusay ng mga taong nasa likod nitong palabas na ito. Bigyan ng jacket yan. Mag-iingat parin sa mga masasamang loob.



Kaya kung walang wala ka na talaga, pero gusto nyong mamasyal, simulan na ang lakaran at dumayo na sa Pasig City.  Magbitbit ka lang ng 1.5 na tubig at nilagang kamote, sulit na ang gabi mo. Tara na sa Pasig!