Sino ang nagkalat?
First subject namin sa umaga
ang TLE. Pero habang naghihintay ng titser, may kanya-kanyang mga ganap sa loob
room. May mga nagrereview, may mga kumakanta, may kumakain, nagpapa-ending at
siyempre nandyan yung mga nag-dadaldalan.
Simula na ng klase ni Ms.
Alejandro noon nang may maamoy kaming kakaiba sa loob ng room. Noong una, akala
namin na nanggagaling lang sa bibig ni Ms. Alejandro, pero habang tumatagal mas lalo
itong nananapak sa ilong at palapit ito ng palapit. Mas lalong naging klaro na
ang amoy na ito ay amoy ng tae.
Isa sa unang nakaamoy ay
si Justin, na kanina pa di mapalagay sa kakalikot ng sarili niyang pwet at
sinisigurado na hindi sa kanya nanggaling ang amoy na iyun. Inamoy niya din ang bumbunan ng nasa unanahan niyang si Todd pero kakaiba ang naamoy niya sa anit nito kaya
sigurado siyang hindi iyun tae. Amoy ito ng pulgas.
Siniko ni Todd si Justin
dahil kanina pa siya nakukulitan dito. Matalas ang mga mata ni Ms. Alejandro at
nagalit ito nung makitang parang naghaharutan lang ang dalawa sa klase niya.
Pinatayo sila ni Ms. Alejandro at inutusang i-discuss ang kanilang natutunan sa klase sa pamamagitan ng sign language, pero di sila nakasagot. Nagalit ng husto ang titser kaya pinagbuhat sila ng
pasong may halaman habang kumakanta ng "I love you Sabado". Tumawag siya ng iba. Napagdiskitahan niyang tawagin ang
katabi ni Todd na si Karen Claire na kanina pa di mapalagay kakaamoy sa buhok niya
habang nilalagyan niya ito ng Creamsilk na blue. Nabalitaan kasi ni Ms.
Alejandro na madalas daw sumasakit ang ulo nito sa mahihirap na subjects at
nagkukunwaring nahihilo para makatakas sa recitation at tumambay sa clinic.
“Karen, ngayon mo ako
artehan. Dali, stand up and stand tall. Do you believe that ‘A’ is the starting point?” tanong ni Ms.
Alejandro.
“Ahhh, well… it is
something that ahh—somehow it is the…” nauutal na sabi ni Karen habang
hinihimas himas niya ang mga braso niya na tila nilalamig. Binibilog-bilog niya din ang kanyang labi na parang isda para magmukha siyang cute.
Habang nakatayo si Karen,
bigla namang nagsigawan sila Emma at Justin nung halos di na sila makahinga
dahil sa amoy ng tae.
“Ma’am, ang baho na po ng
tae dito. Di ko na po kaya. Parang kayo kinakaya nyo ah--” sabi ni Emma.
“Magtiis ka kasi nandito
ka sa public school. Iba-iba ang amoy natin dito. Ngayon amoy tae lang yan, mamaya-maya
amoy bangkay na” sagot ni Ms. Alejandro na nakakapagtakang di niya ito naaamoy.
"Di sana kayo namamaho dito kung di nyo pinang-inom yung pambili ng electricfan. Magtiis kayo sa pamaypay" sigaw ulit ni Ms. Alejandro.
Nagtapos ang TLE na
nakatakip ng panyo ang mga ilong namin. Halos mabali na yung tagbebenteng pamaypay na nabili ko sa labasan. Di parin namin alam kung saan
nanggagaling yung amoy o kung sino yung nakatapak ng jackpot.
P.E. yung next subject namin
kaya nagbihis na ang lahat ng P.E. uniform at nagpunta na sa field. Nawala sa
isip namin yung amoy ng tae pansamantala. Pero noong magbalikan na kami sa
classroom ay para kaming nagbalik sa mga masasakit na ala-ala, mas lalong tumindi yung amoy ng tae at di parin ito umaalis sa tinatambayan niya.
Tumambad sa ikalimang row
ang isang malaking tae na halos katabi lang ng upuan ni Ann. Manilaw-nilaw ito
at hugis Spanish bread, kaya nagkagulo ang lahat sa pagdadala ng tinidor. Pero nang
malaman nila na tae pala ito ay nagkanya-kanya silang piglasan palabas ng
room.
Nakakapagtaka na di
tumatayo si Ann sa upuan niya at di rin ito sumali sa P.E. class kanina kaya
malamang naiwan itong mag-isa sa classroom. Nakasuot parin siya ng school
uniform. Hindi man lang ito nababahuan sa amoy ng tae.
“Ann! Umalis ka diyan,
nandyan sa tabi mo yung tae oh” sigaw ni Jorain habang kinukuskos ng pusher ang
malaki niyang nunal sa pisngi.
“Hala, talaga ba? Ngayon
ko lang yan napansin. Yuck! Kadiri naman yan kung tae man yan.” Sigaw pa ni Ann nung makita niya
ang tae ay agad naman siyang tumayo sa kinauupuan niya at kumendeng-kendeng.
“Ikaw ba ng tumae niyan
Ann?” usisa pa ni Emma na masuka-suka na sa naaamoy.
“Gago ka ba? Kung ako ang tumae niyan e di sana di ako nandidiri no! Hindi ako ang
tumae niyan tanga! Kilala ko ang tumae niyan. Yung katabi ko” depensa pa ni Ann
na kanina pa butil-butil ang pawis. Di niya mapigilang magpaypay ng magpaypay at panay
rin ang paglalagay niya ng pabango sa buong katawan niya. Mayamaya pa, ay
ibinuhos niya din ang pabango niya sa tae para daw matakpan ang amoy.
“Hoy Perdi! Alisin mo nga
tong tae mo dito!” sigaw ni Ann nung dumating si Perdi galing sa labas.
“Hala, bakit parang kasalanan ko? Di ko
tae yan. Hindi ganyan ang shape ng tae ko!” sagot ni Perdi na sobrang fresh parin ang itsura kahit kagagaling
lang sa PE class.
Halos nagdatingan na ang
mga kaklase ko noon sa loob ng room para magbihis ng school uniform. Lumabas
din si Ann at nagtungo sa banyo kasama si Yushel. Mayamaya pa ay sumisigaw at
umiiyak na ang kaklase kong si Jessiry dahil may nawawala itong gamit.
“Ang palda ko! Nawawala ang
palda ko! Nandun yung bente ko! Yung bente ko!” sigaw ni Jessiry na kay
tinis-tinis.
Dumating ang Biology
teacher namin na si Ms Cruz at halos bumaliktad ang sikmura nung maamoy ang
tae. Ipinatawag niya ang class president na si Eli at iniutos na tanggalin na
kaagad ang tae dahil di daw ito magkaklase hanggat di ito nalilinis.
Dali-dali
namang kumuha ng lengthwise si Eli at dinakot ang tae na walang pag
aalinlangan. Ipinakita niya na talagang magaling siyang class president kasi
nagawa niyang dumakot ng tae ng iba. Agad niya din itong sinabunan ng Tide kaya
mabilis na nawala ang amoy ng tae.
Dahil sa inis ni Eli, inutos niya na palinyahin kami sa labas ng room. Isa-isa niyang inamoy ang mga pwet ng mga babae bago pumasok sa room. Si Klaus naman ang umamoy sa zipper ng mga lalaki, kaya isa siyang bukod na pinagpala. Si Carlota naman ang umamoy sa pwet niya, sa pwet ni Klaus at kay Eli. Halos naamoy na nila lahat maliban kay Ann.
“Huwag mo akong pinag-aantay, baka mabaldog ko yang ulo mo, comatose ka ngayon” sabi pa ni Eli na kanina pa nag-iinit ang ulo sabay turo kay Ann.
Tinanong naman ni Carlota kung bakit may gupit-gupit ang blaus ni Ann.
"ahh...ito ba? ginupit ko kasi nalagyan ng tae, este ng chocolate kanina. Ano
bang pakialam mo ha?" sabay irap ni Ann kay Carlota.
"Bakit may tae yang medyas mo?" tanong ni Eli.
"ahh ehh...ito ba? Mantsa lang din yan. Di siguro masyado nakusot"
paliwanag pa ni Ann habang hawak-hawak ang palda niya na halos mahubo na dahil
maluwag ito sa kanya.
Agad namang inikutan ni Eli si Ann at itinaas ang palda nito para amuyin ang pwet nito. Umiiwas si Ann pero kinaltukan siya ni Eli sa puyo kaya bahagya siyang nawala sa ulirat at di na siya nakapalag.
“Kompirmado. Ikaw ang salarin. Nasa pwet mo ang nagbabagang amoy ng tae. Pinahirapan mo pa ako” sabi pa ni Eli habang kinuwelyuhan si Ann papunta kay Ms. Cruz.
Agad naman humagolgol si Ann dahil sa sobrang hiya niya. Humingi siya ng sorry sa buong klase dahil sa iskandalong nangyari. Kaya daw pala ito natae dahil nasira ang tiyan niya dahil sa santol at manga na nabili niya sa labas. Di din daw ito nakapag-almusal kaya sumakit agad ang tiyan niya. Inamin niya din na di kanya ang suot niyang palda. Nangako naman si Ms. Cruz na papalitan niya na lang ang palda ni Jessiry. Binigyan niya din ng bente si Jessiry na agad namang tumahan. Ibinilin ni Ms. Cruz na wag nang ungkatin o pag-usapan yung nangyari para agad na makalimutan ng lahat.
Kinabukasan, di pumasok si Ann. Dahil siguro nandun parin yung hiya niya. 2 days ata siya noon umabsent. Pero pumasok parin naman siya nung sumunod na araw. Pero ganun talaga. Parte na ng high-school life natin yung mga embarrassment. Pag-naaalala natin yun, yun ang nagpapahagalpak sa atin di ba?
{disclaimer: ang mga nabanggit na pangalan ay gawa-gawa lamang at di nito nirerepresenta ang sinuman}

tawa p rin ako ng tawa, naiimagine ko ung mga eksena,,haha
ReplyDeletesi annie singin b ung tumae?
hindi natin sure. haha
Delete