Top Stories

Mga Senyales na Nababaliw ka na



Narito ang Sampung senyales na malapit ka nang mabaliw.

1. Kamot ka ba ng kamot sa pwet mo kahit hindi nangangati? Yung tipong sa sobrang pag- iisip mo sa mga bagay - bagay ay gusto ng kamay mo na kamutin lagi ang pwet mo. Gusto kasi ng pwet mo na siya ang mag-isip para sayo. 

2. Ikaw ay tulala sa isang tabi at 'di mapakali. Yung tipong gusto mong gayahin ang kinikilos ng mga langaw na nakikita mo sa paligid. At feeling mo rin na gusto kang gayahin ng mga langaw kaya isa-isa mo silang itutumba. 

3. May naiisip ka pero di mo maisip kasi nga nawala na sa isip mo, kaya mapapaisip ka na naman ulit. Tapos pakiramdam mo na parang laging may nagmamatyag sayo sa paligid. 

4. Ayaw mo ng pumasok sa trabaho o iskwela at mas gusto mo na kinakausap ang mga ugat sa braso at binti mo. Yung tipong naikwento mo na lahat ng nangyari sayo sa buong maghapong pagtitig sa tukador para pag aralan ang bangaan ng mga langgam at kung paano nila sinisiraan ang isat-isa.

5. Ayaw mo ng kumain. Yung tipong gutom na gutom ka na pero hindi mo na kilala ang mga pagkain. Iipunin mo lang sa isang tabi at tatakpan hanggang sa amagin. Pero alam mong gutom ka na, yun nga lang dinidiktahan ka na naman ng pwet mo na wag nang kumain dahil itatae mo lang din naman.

6. Hindi ka naman in love, pero anim na oras ka ng nangungulangot. Yung tipong dumudugo na ang ilong mo sa kakasundot. Ang malalang naitala sa kasaysayan ay ang pangungulangot gamit ang sandok. 

7. Hindi naman bingi, pero sinisigawan mo ang mga tao sa paligid mo kahit isang dangkal lang ang layo sayo. Sasabihin mong 'satin satin' lang pero isisigaw mo din naman. Tapos aawayin mo sila dahil nalaman nila na parang may saltik ka na nga.

8. Post ka ng post ng pangit mong picture sa Facebook tapos nade-depress ka kung walang nagla-like kaya ipipiem mo ang mga friends mong pina-plastik ka lang na i-like ito. Sa kakapiem mo, ang ending unfriended ka na pala. Yung picture na akala mong serious yung face mo, pero wacky pala. 

9. Parang gusto mo laging may utang sa kahit kanino. Yung tipong di ka mapalagay na walang iniisip na babayaran sa akinse at katapusan. Pero ikaw, ayaw mo na inuutangan ka, magaling ka lang pag ikaw ang may kailangan. 

10. Wala namang nagkakagusto sayo pero feeling mo lahat ng tao pinagnanasaan ka. Feeling mo, lahat nagagandahan sayo. Umiiwas ka sa mga tao sa paligid mo dahil feeling mo magti-take advantage sila sayo. Mahiya ka naman sa an-an mo. 

Kung may kilala kang tao na may mga senyales na ganito, ay agad na ipakonsulta sa doktor, o di naman kaya ay isuko na sa barangay. Baka lulong na sa droga yang hayop na yan. Bago pa matukhang yan, payuhan mo na ng mas maaga. 

Ito ay katuwaan lang at hindi base sa pag-aaral, kaya huwag mong seryosohin. Pero kung sa tingin mo nga ay binabagabag ka na ng mga boses na ikaw lang ang nakakarinig, mas mabuti talaga ang magpatingin sa doktor.