Mga bagay na kailangang itanong sa sarili bago mag-resign
Nabalitaan ko, lagi ka raw tulala. Sabi nila, magreresign ka na raw. Ang pagre-resign sa trabaho ay isang napakahirap na desisyon sa buhay. Hindi ito kagaya ng mainit na hotdog na kapag isinubo mo ay mailuluwa mo. Pag-isipang mabuti ang bagay na ito. Huwag kang shushonga-shonga. Humarap ka ngayon sa salamin. At narito ang Limang bagay na dapat mong isipin at itanong sa sarili bago mo tuluyang lisanin ang apat na sulok ng intabladong ito.
1. Ano nga ba ang rason ko kung bakit ako magreresign?
Umiiyak ka na lang ba sa sulok? Baka kaya ka lang magre-resign dahil emoterang palaka ka ng taon? Baka naman dahil nag-iinarte ka lang at kulang sa atensyon? Hindi sapat na basehan ang pag-emote para magresign mga ati at koya. Pagsisisihan mo lang yan kapag humupa na yang pag-iinarte mo.
Dapat gawin: Tigil-tigilan mo na yang kakapanood ng koreanobela na yan. Manood ka ng Encantadia.
2. Nareresolba ba ang mga isyu ko sa trabaho?
Baka naman kaya ka magreresign dahil sa tingin mo mag-isa ka na lang sa mundo at walang makapitan? Very wrong yan, may mga boss dyan na handa kang tulungan para mag-grow. Lumapit ka sa kanila dahil hawak nila ang kapangyarihan ng apat na brilyante na siyang gagabay sayo. O baka naman, pinaasa ka na naman ng kaopisina mo dahil inakala mong sweet talaga siya sayo.
Dapat gawin: Tigilan ang paglalandi sa kaopisina. Mahalin mo ang iyong trabaho, wag ang iyong ka-trabaho. Mag-safeguard para maiwasan ang pangangati. Magbasa ka ng libro ni Kuya Ronald Molmisa na Lovestruck na mabibili sa NBS para mahismasan ka.
3. Ano na'ng sunod kapag nagresign ako?
Isipin mabuti, baka pagkaresign mo ay sa kalsada ka na pulutin at mapilitang manglimos ng pagkain para sa pamilya mo. Yung iba kasi, nakakuha lang ng kaunting experience ay resign agad para mag-apply sa iba. Ang ending, mababa pala ang market value, matumal ang benta ni koya at ati. Marami palang galis sa balat at utal utal pa magsalita. Kaya ang ending naging tambay, nag-adik, naging pusher, na-tukhang, nanlaban, natoldahan.
Dapat gawin: Ihampas ang fluorescent bulb sa ulo, para maliwanagan ka. Manood ng Encantadia gabi-gabi para may kapulutang aral. Tigil-tigilan mo na yang R-Breezy na yan, dry na dry na yang balat mo. Lawlaw na yang braso mo.
4. Masaya pa ba ako sa sinasahod ko?
Siyempre, mahirap na tanong ito. Kung pagbuklat mo pa lang ng payslip mo ay sisimangot ka na, aba'y may problema nga. Pero teka lang, baka naman kasi kaya lumiliit yang sahod mo dahil sa kaka-absent mo, tapos mali-late ka pa sa trabaho. Ang kapal naman ng mukha mo magreklamo. Tapos gusto mo ng malaking sahod? Pashnea ka. Hampasin kaya kita ng brilyante mendoza! char haha. May mga reklamador sa mundo na wala sa lugar, at di ko na alam kung saan ako lulugar. Tapos malaman-laman mo pang kaliwa't kanan ang utang sa 5-6, at sa kung anu-ano pa. Kahabagan ka nawa ng mahal na Emre.
Dapat gawin: Magbasa ka ng libro ni Marlon Molmisa na pinamagatang "Ang Mahalaga Bumangon ka" batugan ka. Char. Marami ka pang matututunan sa librong yan. Alam ko yan eh, sa Makati, sa Davao meron dyan eh, alam ko yan eh. Samahan ko pa kayo, makakabili tayo ngayon eh.
5. May sapat na ba akong ipon para pagnawalan ako ng trabaho pansamantala, ay mapapakain ko parin ang pamilya ko?
Huwag attack ng attack mga mars. Baka pagkaresign mo ay wala palang laman yang bangko mo. Kaya bang tustusan ng savings mo ang mga pangangailangan nyo sa loob ng 6 months? Oo , 6 months kang tambay eh, kasi tamad ka nga di ba?charing. What I mean is, dapat kahit na nagresign ka na ay di ka parin aasa sa jowa mong bakla na pinagsumikapan ding kitain yang hinuhuthot mo sa kanya sa pamamagitan ng pagpapaganda sa mga nilalandi mong babae. Dapat may sarili kang perang pang-gastos sa mga requirements sa bago mong trabaho kung sakali. Nakakainit ka ng ulo eh.
Dapat gawin: Magsimula ka na magsulat ng isang blog, at alamin kung paano ka kikita dito. Tapos, ilibre mo kami kahit sa Starbucks lang. Ang layo di ba?
For sure, marami diyan na nag-aantay na lang makuha ang 13th month pay bago mag-resign, pero isaalang alang mo ang limang katanungang ito upang iyong maging gabay kasama ng apat na brilyante.