Ang dahilan sa pagkatalo ni Mariel de Leon sa Miss International 2017, Kulam?
Talo ang pambato ng Filipinas na si Mariel de Leon sa Miss International 2017 na ginanap ngayong araw November 14, 2017 sa Japan kung saan ang Miss Indonesia ang nakoronahan. Ligwak kaagad ito sa top 15. Ang dahilan? No support ang mga Pinoy sa kanyang laban. Ni ang mga nag abang sa prestihiyosong pageant ay hindi siya ang bet manalo at mas sinuportahan ang Miss Indonesia. Ang iba, inabangan lang si Kylie Versoza.
Ang dahilan umano ng di pagsuporta sa kanya ng napakaraming Pinoy ay ang kanyang di magandang pag-uugali. Galit na galit sa kanya ang mga DDS o ang taga-suporta ng pangulong Duterte dahil sa pambabatikos niya rito noong nakaraan at lalo sa pagkakatalaga kay Mocha Uson bilang PCOO Assistant Secretary. Matatandaan na nagmaldita siya sa kanyang mga tweets kamakailan na kinainit ng husto ng ulo ng mga supporters ni Duterte at Uson at idinalangin na sana huwag siyang palarin sa Miss International pageant 2017. At ganun na nga ang nangyari.
Kahapon, may isang galit na galit na DDS na nagngangalang Drew Olivar nagsagawa pa ng pangungulam via FB Live na tinawag niyang Extra Judicial Kulam para lang matalo si Mariel. Ginawa daw niya iyun bilang ganti sa pagmamaldita niya sa ating Presidente. Panoorin ang nakakakilabot na video na ito.
Sa video, may mga ipinakita siyang di umano'y mga gamit sa pangkukulam at may isinuot pa siyang mga medalyon at may mga ibinubulong-bulong na mga salita sa itim na kandila. Di ko alam kung biro lang yung orasyon na ginawa niya, kasi mukhang di naman totoo. Pero gayun pa man, talo nga ang pambato ng Filipinas sa Miss International 2017. Effective kaya ang ginawa ni bakla? or baka talagang di lang sinuwerte si Mariel.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga kababayan natin sa facebook ng TV5 tungkol sa pagkatalo ni Mariel.
Noong October 5, nagbigay din ito ng kanyang komento ukol sa sinabi ni Joey de Leon tungkol sa depression na naging mainit na usapin sa mga social media.
Masakit din makitang natatalo tayo sa mga international pageants. Pero wala ng sasakit pa na malamang wala sa iyo ang suporta ng mga kababayan mo, at idinadalangin pa na wag ka sanang manalo. Pero dapat din natin tandaan na kaya tayo nagkakaisa ay dahil iisa ang tibok ng ating mga puso. At kung sakaling taliwas ang iyong paninindigan sa mas nakararami, asahan mo na, wala sa iyo ang suporta at sa huli, uuwi kang talunan.