May Naliligo pa sa Floodway
Sa nakakasulasok na amoy at dumi ng tubig sa Floodway, sa tingin ko dapat ma-alarma na ang mga tao na huwag na itong gawing resort. Alam kong nakakabighani ang maligo dito dahil bukod sa libre lang entrance dito, meron pa itong berdeng kulay na aakalain mong sinabawang gulay kaya mapapatikim ka ng bahagya, at may mga naglulutangang mga diaper din at patay na hayup na pwede mong gawing salbabida. Dahil sa init ng panahon maiisipan mo talagang magtampisaw at dahil kapos ka sa budget, gugustuhin mo ang libreng liguan.
Pero dapat ng ipatigil ang pagligo dito at pukawin ang kamalayan ng mga kabataan na pwede nilang ikamatay ang pagligo dito. Ang litrato ay kuha ko noong nakaraang linggo habang nagmumuni-muni ako at nagseselfie sa gitna ng tulay papuntang Life Homes, habang ginugunita ko ang mga masasayang mga alaala namin noon na ngayon ay nababalot na ng pait at pighati. Kapag naka-zoom in yung picture makikita mo yung mga batang masayang naliligo sa tanghaling tapat. Balita ko may namatay na rin dyan sa bandang ilog na yan dahil naudyukan ng barkada na languyin ang inihagis na limang pisong tagbibentesingko at agad naman itong nagpasikat, pinulikat at lumubog, kalaunan ay pinagbintangan ang mga shokoy na sya daw humila sa binata papuntang Laguna de bay. Kaya sana magkaroon ng taga-bantay dyan at gawing life guard. Nakapanayam ko ang isang batang katatapos lang maligo noon, ang sabi niya nagbo-voice lesson daw umano siya dahil sasali sya sa isang singing contest sa barangay. Nagsample naman ang bata at agad akong nakaramdam ng pagkabagot, kaya nasampal ko ang bata nang di ko sinadya. Humingi naman ako ng paumanhin sa kanya at sa mga magulang nito na kalaunan ay nasampal din ako. Nagbigay ako ng teknik sa bata na kapag kumakanta siya dapat takpan niya ang bibig niya ng panyo, para mahina lang yung lalabas na ingay para di nakakarindi sa tainga, huwag niya din kakainin yung mga letra dahil gagamitin pa yun ng mga kinder sa klase. Nasabi ko rin na huwag siyang pipikit-pikit kapag kumakanta siya dahil nagmumukha siyang may saltik, dapat dumilat lang siya ng malaki para maramdaman ng nanonood ang mensahe ng kanyang mata. Isa sa pinakamahalagang technique sa pagkanta ay dapat lunukin muna ang laway at plema para klaro ang mga salita at pwede mo ng isubo ng maayos ang nota.